ni Aiko Diaz
Matapos ang matagumpay na kampanya sa 2021 FIG World Championship sa Japan, nais ni Carlos Yulo na bigyan ng reward ang sarili.
Si Carlos Yulo ay lumaki sa hirap kaya hindi niya ninanais ang anumang mamahaling bagay, kaya naman ang reward na binigay niya para sa kaniyang sarili ay isang pizza.
Dahil sa pagpapanatili ng mataas na kondisyon, kailangan sundin ni Carlos ang striktong diet, dahil na rin dito at matagal na siyang hindi nakakakain ng pizza.
Sa kabila ng patitiis, nakamit naman niya ang isang ginto at isang pilak na medalya sa World Championships na kakatapos lang isagawa.
Mahigit dalawang taon ding hindi nakatikim si Yulo ng pizza kaya naman para sa kanya magandang reward ito sa nakamit niyang tagumpay.
Comments