top of page

Resulta ng CPALE nitong Oktubre, nilabas na

Writer's picture: JANSEN RODRIGUEZJANSEN RODRIGUEZ

Nitong nakaraang Martes, ika-19 ng Oktobre ay pinal na inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng nakalipas na Certified Public Accountant Licensure Examination (CPALE) na umabot lamang sa 15.25% ang mga nakapasa.



Mula sa malaking bilang na 2,367 ay tanging nasa 361 lamang ang mga pumasa rito. Ngunit, maituturing pa rin itong malaki kung ikukumpara sa naging CPALE noong 2019 na umabot lamang sa 14.32% ang mga nakapasa.


Bukod sa mga nakapasa, kasabay ding inilabas ng PRC ang mga top performing schools at ang mga topnotchers nang isinagawang pagsusulit.


Karagdagan, ito ang kauna-unahang CPALE na isinagawa ng PRC mula nang magsimula ang pandemya. Sinigawa ito noong ika-10 hanggang ika-12 ng Oktobre sa mga lungsod ng Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legaspi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.


Habang ang CPALE sa Maynila ay magsisimulang ganapin sa ika-16 hanggang sa ika-18 ng Disyembre. Ito ay dahil sa humabang General Community Quarantine (GCQ) Alert Level 4 ng National Capital Region (NCR) na katatapos lang nitong ika-15 ng Oktobre.

0 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page