top of page
Writer's pictureJANSEN RODRIGUEZ

Price ceiling, nais ipatupad bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin

ni: Aiko Diaz



Sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado, kailangan magpatupad ng price ceiling ang gobyerno sa mga ilang bilihin at pagkain upang maibsan ang pamumuhay ng publiko.


Ayon kay Atty. Chel Diokno, isa sa mga tatakbo sa pagka-senador sa darating na eleksyon, ang pagtaas sa presyo ng pagkain at iba pang bilihin ay panibagong dagok sa maraming Pilipino na hindi pa nakakabangon sa epekto ng pandemya.


Dagdag pa niya, hindi pa napapanahon ang pagtaas ng presyo ng bilihin dahil magsisilbi lang itong dagdag na pabigat sa mga Pilipino na hindi pa nakakakita ng trabaho o ibang pagkakakitaan.


Nagtatag si Atty. Diokno ng free legal help desk na layuning matulungan at matugunan ang mga problemang legal ng mga Pilipino na walang mga pambayad sa abogado.

0 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page