top of page
Writer's pictureJANSEN RODRIGUEZ

Pilipinas, muling nasungkit ang korona sa Miss Intercontinental Pageant

ni Jansen Rodriguez


Ngayong araw, ika-30 ng Oktubre ay nasungkit ni Cinderella Faye Obeñita ang ikalawang korona ng Pilipinas sa Miss Intercontinental pageant na ginanap sa Sharm El Sheikh, Egypt.


Si Cinderella ay isang senior tourism officer sa Cagayan de Oro na may edad na 25 taong gulang. Siya ay isang baguhan pa lamang sa pagsali sa ganitong mga patimpalak.


Ang korona ay unang nasungkit ng bansa sa taong 2018 sa husay ni Karren Gallman.


Sa karagdagan, ito ang ika-49 na edisyon ng nasabing beauty pageant.


Habang hinirang na runners up ang mga bansang: Mexico (1st runner-up), England (2nd runner-up), Seychelles (3rd runner-up), Canada (4th runner-up), at Colombia (5th runner-up).


Bukod dito, ang Pilipinas o si Cinderella rin ang tinanghal na Miss Intercontinental-Asia Oceania.

0 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page