top of page

PBA 2nd Conference, sisimulan sa Nonyembre 26 o 28

  • Writer: JANSEN RODRIGUEZ
    JANSEN RODRIGUEZ
  • Nov 24, 2021
  • 1 min read

ni Angelou Gaon


MANILA, Philippines — Target ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang Governors’ Cup sa Nobyembre 26 o 28 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.


Magbigay na ng go signal sa liga ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Foreign Affairs para makapagsagawa na ng se­cond conference na magtatampok ng mga foreign imports.


“Last week of Novem­ber ang plan. November 26 or 28. Kung okay na ang mga imports go na natin,” saad ni PBA Commissioner Willie Marcial.


Inaantabayanan na lamang ng PBA ang approval ng local government unit ng Pasig City na pinamumunuan ni Mayor Vico Sotto upang ganapin sa Ynares Sports Arena ang kumperensiya.


“We are now in talks with Pasig City Mayor Vico Sotto. Tinitingnan natin yung Ynares Sports Arena na maging venue ng second conference,” ani Marcial.


Umaasa rin ang liga na mapagbibigyan ng go signal ang live audience upang mapanood ng mga fans ng personal ang mga iniidolo nilang mga players.


Nasa Alert Level 2 ang National Ca­pital Region na kung saan mas maluwag ito kum­para sa mga nakalipas na quarantine levels.


Kung mapagbibigyan ng IATF, posibleng gumawa ng guidelines ang PBA para sa mga maa­aring makapanood ng live sa venue.


Mauuna muna ang pag­daraos ng PBA 3x3 tournament na nais ganapin sa Nob­yembre 20 at 21 sa Ynares Sports Arena.

Comments


Post: Blog2_Post

©2021 by Mass Awareness and Social Surveillance. Proudly created with Wix.com

bottom of page