NAIC, CAVITE — Malaki ang ibinagsak ng bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Naic, ayon sa ulat kahapon, Oktubre 19. Mula sa 539 kaso noong Setyembre, nakatalang 65 na lamang ang bilang ng mga kaso at patuloy pang gumagaling sa bayan.
Base sa pahayag ni Naic Mayor Junio Dualan, ang malawakang pagbabakuna ang isa sa mga epektibong daan tungo sa patuloy na pagbaba ng mga aktibong kaso at pagkakahawaan sa munisipalidad.
“Patunay lamang po na epektibo ang ating mga hakbang sa laban natin sa pandemyang dulot ng COVID-19.” aniya.
Kaya naman talagang hinihimok ng lokal na pamahalaan at munisipalidad ng Naic ang kooperasyon ng mga residente upang magpabakuna at sumailalim sa mga hakbang para sa immunization ng bawat isa laban sa pagkakaroon at pagkalat ng sakit dala ng COVID- 19.
Comments