top of page
Writer's pictureJANSEN RODRIGUEZ

Bilang ng mga kaso ng COVID-19, inaaasahan ang pagbaba sa Kapaskuhan

ni Vylette Ramirez



MANILA, PHILIPPINES - Sa mga susunod na buwan, inaasahan ang patuloy na pag baba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ayon sa pahayag ng researcher ng OCTA Research na si Guido David noong Biyernes, tinatantiyang nasa mahigit 1,000 na kaso na lamang kada araw ang maitatala bago mag pasko.


Ayon sa pahayag ni David sa teleradyo ng ABS-CBN, “Kailangan pa rin natin mag-ingat kasi pwede pa rin magkaroon ng spikes ng cases, mga clustering, local outbreaks, pero in general tingin natin hindi na tayo babalik sa 10,000 or 20,000 cases per day. Kaya nakikita natin na tuloy tuloy. Sana hanggang pasko baka nasa 2,000, or even 1,000 cases per day sa buong Pilipinas, kaya ‘yun sa pasko.”


Taliwas sa nagtataasang kaso ng COVID-19 na naitala ng nakaraang buwan ng Setyembre, patuloy ang pag baba ng mga kaso sa kasalukuyan sa pamamagitan ng patuloy na pag iingat at pagiging responsable ng publiko. Sa kasalukuyan, nasa 4,700 ang 7-day average ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.


Dagdag pa ni David, binabantayan din ang patuloy na pagtaas ng mga kaso sa ilang mga lugar sa Occidental Mindoro (Dumaguete City at Lubang town). Gayun rin ang ilang mga high-risk areas gaya ng Zamboanga at La Trinidad, Benguet.


Bilang kabuuan sa kasalukuyan, nasa 49, 835 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

0 views0 comments

תגובות


Post: Blog2_Post
bottom of page