MANILA, Philippines — Kinumpirma (DFA) o Department of Foreign Affairs na walang Filipino ang nadamay sa rocket attack at air strike sa pagitan ng Palestinian military at Israeli security force sa isang linggong labanan.
Ang embahada ng Pilipinas sa Israel at mga kalapit na bansa doon ay naghahanda na ng contingency measure sa pakikipag-ugnayan sa office for migrant worker affairs.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga Filipino sa Israel para maabot nito ang maraming Filipino community doon kung sakaling kailanganin ang tulong ng gobyerno.
Anya, Handa na rin ang shelter para sa pansamantalang matutuluyan kasama na ang mga manggagawang Filipino.
Nakahanda narin ang contingency plan na para sa anumang maaaring mangyari sa gitna ng kaguluhan sa nasabing bansa.
Halos 30,000 manggagawang Filipino ang nasa Israel ngayon ayon sa DFA.
Sources: PHILSTAR
Comments