top of page
Writer's pictureJANSEN RODRIGUEZ

Hanging dala ng Amihan, ramdam na sa hilagang Luzon

ni Vylette Ramirez


AURORA, PHILIPPINES - Inasahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa ilang bahagi ng Aurora (Casiguran at Dilasag) kahapon, ika- 28 ng Oktubre.


Ayon sa ulat ng PAGASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration) kahapon, 8:40 ng umaga, ang nasabing pag-ulan ay inaasahang tatakbo ng mahigit isa hanggang dalawang oras sa mga kalapit na lugar sa probinsya.


Inantabayanan naman ang maaring pinsalang ma-idulot ng pag-ulan gaya ng mga pagguho ng lupa at mga bato, mudslides, at flash floods. Samantala, pinaalalahanan din ang mga residente na naninirahan malapit sa bundok na maging handa at sumunod sa mga hakbang ng pag-iingat sa maaaring idulot ng pag-ulan.


Matatandaang ayon sa ulat ng PAGASA noong Lunes, Oktubre 25. Nagsimula nang pumasok ang Northeast monsoon o hanging amihan sa hilagang bahagi ng bansa. Kaya naman inaasahan ang malamig na ihip ng hangin sa hilagang rehiyon kabilang na ang probinsya ng Aurora. Ang hangin ay maaaring magdulot din ng mga pag-ulan at malamig na panahon sa mga susunod na buwan.

0 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page